Search This Blog

Wednesday, July 15, 2009

Bus Station: Chapter 3




Chapter 3:

Characters:

Enchong Dee- Kenneth "Ken" Dominguez Jr.
Dino Imperial- Alfred "Red" Sanchez
Erich Gonzales- Sunshine "Shine" Perez
Lauren Young- Anie Sanchez
Janelle- Quintana- Karla Dominguez
Aaron Villaflor- Andrew Sanchez
Al Tantay- Mr. Kenneth Dominguez Sr.
Irma Adlawan- Mrs. Naneth Dominguez
Carmi Martin- Mrs. Anabel Sanchez
John Estrada- Mr. Sanchez
Glydel Mercado- Glenda
Kotin Roque- Wally
Cacai Bautista- Ate Beauty



Random Scenes:
Pinapakita na nakikitext si Ken kay Red para kahit papanu ay mag-karoon sila ng communication ni Lovely. nagrereply naman si Lovely ngunit kadalasan matapos ang ilang text ay di na ito nagrereply.

Dumating na ang Swimming competition, suportado si Ken ng mga kaibigan, si Red, si Shine at si Anne. nanalo si Ken at nakatakdang lumaban sa finals.

Tinawagan ni Ken ang Mama niya tungkol sa balita gamit ang cellphone ng landlady at tuwang-tuwa ang mama niya habang hawak ang plaque na pinadala ni Ken.


Makalipas ang ang ilang buwan, last sem na ni Kenneth sa 1st year gayun din naman si Red, si Anne naman ay gragraduate na sa 4th year. Nakatanggap ng tawag si Kenneth ng tawag mula sa Mama niya,

"Red, natutuwa ang tita Linda mo sa mga achievements mo jan, i-pick up mo sa LBC ang pambili mo ng bagong cellphone at Laptop",- masayang balita ng Mama ni Ken na nasa kinya ng Cellphone

"Talaga po? wow, pakisabi po kay tita thank you"- tuwang-tuwang tugon ni Ken.

Scene 11: Break Up / Ken and his Father Location: at the University / SM Manila
After noon ay asa University na siya, at isang hindi inaasahang inkwentro ang kinaharaop ni Ken.

"Mr. dominguez, dont act that you've know everything, you're just my student",- sambit ni Mr. Tan, ang professor na galit kay Ken.

"but sir., Dominguez has a point, tama naman ung formula na ginamit niya, besides tama rin yung answer niya"-sabat ng isang clasmate ni Ken,

"Ms. Villanueva, im not asking your opinion.",-tugon nito sa babae

"Mr. Dominguez I want you to report in my office!"- sambit muli ni Mr. Tan, at nag ring na ang buzzer..sumunod na eksena, lumabas siya ng ng room ng professor.

"hey bro, kamusta? same scenario?" tanong ni red na naghihintay sa labas ng office.

"As usual, diko alam kung bakit pinag-iinitan ako ni Sir. Tan.. eto tadtad na naman ng reports next week",- paliwanag ni Ken

"His just jealous kasi mas matalino ka sa kanya",- sambit naman ni Red.

"uy, di naman cguro ... hmmm, me gagawin ka?"- tanong ni Ken sa bestfriend.

"wala na, bakit?"- tanong ni Ken.

"samahan mo q, bili aq cellphone at Laptop. hehe"- nahihiya pang sambit ni Ken.

"Cool, sige..."- sambit ni Red. at lumabas na sila ng University, dumeretso sila ng SM Manila, pinick-up ang pera sa LBC, nag canvas muna sila ng cellphone, hanggang makabili si Ken ng isang Nokia 3g Cellphone. excited si Ken, agad sila pumunta sa Star Bucks, agad tinawagan ni Ken si Lovely upang ipaalam na meron na siyang Cellphone. si Red naman ay nag-oorder pa.

"hello, Love, kamusta... eto.. di ko na kelangan makitext... May Cellphone naq.. Excited aq kasi lagi na kita makakausap, promise..."- dipa natatapos ang pagsasalita ni Ken ng magsalita si Lovely sa kabilang Linya.

"Ken, Im sorry..."- Malungkot na sambit ni Lovely.

"Sorry?, para san?"- nagtatakang sambit ni Lovely.

"Sorry, Napagod na ako maghintay sayo Ken..."- paliwanag ni Lovely.

"oh.., ibig sabihin ba?"- natitigilan si Ken at biglang nalungkot.

"Yes, Ken... its so complicated kung itutuloy pa natin to, Im really sorry"

"naiintindihan ko.. sorry din"

"thanks Ken, I just want you to know that masaya ako dahil naging parte ka ng buhay ko. goodbye and Goodluck.. Bye"

"bye.." at nawala na sa linya si Lovely, si ken ay natigilan at makikita sa muka ang lungkot, bumalik na si Red sa upuan nila dala ang cappuccino na inorder at halata niya ang lungkot sa kaibigan.

"bro... okay ka lang ba?"- tanong ni Red kay Ken. ngumiti lang si Ken pero kita parin sa mukha niya ang lungkot.

"Okay ka lang ba talaga?"- tanong muli ni Red.

"wala na siya, nakipag break na sya sakin"- naghihinayang na sagot ni Ken,

"bakit anong nangyari?"- tanong muli ni Red.

"napagod nadaw siya maghintay sakin. ummm, kasalanan ko naman e, ako ung nagkulang diba?"- paliwanang ni Ken na pinipilit ngumiti parin.

"bro, di ka naman nagkulang, nagtetext ka, namemesage ka sa friendster.. at.."- sambit ni Red para gumaan ung pakiramdam ng kaibigan.

"Di ko sya masisisi, naiintindihan ko sya, nanghihinayang lang ako.. kasi parang sa isang iglap nawala ung mga pangarap ko kasama siya... Alam mo, lagi ko naiisip na sya na ung babae para sakin, sya ung babaeng dadalhin ko sa Altar, ang baduy no?, pero totoo un (naiiyak na si Ken, pero pinipilit magpatawa ta ngumiti), ni Halikan sya di ko magawa kc sobrang ginagalang ko sya. ilang beses nagkaroon ng pagkakataon para mag make love kami, pero ako umaayaw kc gus2 ko sa tamang pahaon namin gawin yun... Ang tanga no?" at naiyak na si Ken, lumapit si Red at hinawakan sa balikat...

"Bro, kaya mu yan..., Alam ko na sumama ka sakin"- sambit ni Red sa kaibigan. di na nila naubos ang iniinom at umakyat na sila ng sa 2nd floor, dinala ni Red si Ken sa Cyberzone para magsaya sila dun.

"Bro, let's go!"-pagyayaya ni Red, naglaro sila ng mga cybergames, basketball at kung ano-ano pa at nakaipon ng tickets, di naglaon ay naging mabuti na pakiramdam ni Red, nag ipapapalit na nila ang ticket, isang gameboy cartidge game ang napanalunan nila. umupo sila sa isang bench malapit sa cyberzone.

"Haist.. sayang 300 points nalang nakuha na sana natin ung jackpot. ano naman gagawin ko d2 sa cartidge ng Game boy nato?, old school pato e, DSi na uso ngaun... . Alam mo dati pinagaawayan pa namin ni Anne ung Gameboy niya, mahilig kasi sya sa mga Nintendo Games."- kwento ni Red. kinuha ni Ken ang Gameboy Cartride na hawak ni Red.

"Alam mo, dati, ung allowance q, di ko ginagastos, nag-iipon ako para makabili ng Gameboy, super addicted kasi ako noon sa Pokemon e, Ung isang classmate ko merong syang gameboy, sa kanya ako naghihiram, kaso nabibitin ako, diq natatapos ung game. kaya ayun nag-ipon ako, tinatatago ko ung alkansiya ko. (Flash Back scenes Pinapakita sa scene, Gr. 6 si Ken). Isang araw nawala na alkansya ko, nag-iiyak ako kay mama, kasi diko makita. pero nakita ko sina papa at mga kaibigan nya na nag-iinom sa may kubu-kubuhan namin, nakita ko ung alkansya ko dun, butas na, wala ng laman, galit na galit ako kay papa nun, sinusuntok ko sya, pero dahil maliit paq nun, parang pitik lang suntok ko, lasing na lasing si Papa nun, sa galit nya dahil pinapahiya ko daw siya sa mga kaibigan niya. Binugbog niya ako. ang dami kong pasa nun, Wala nagawa si Mama kc takot din siya kay papa, sabi ni Mama, pagpasensyahan ko nalang daw si Papa kc dating sundalo daw si Papa, tapos nawala pa sya sa serbisyo dahil sa isang sakit. Inintindi ko sya, pero me mga time na sumusobra na sya, nasasaktan na kami. nagagalit ako pero wala ako magawa. Dumating pa ung Time pati ung kagus2han ko ayaw niya, gus2 niya gawin jko ung mga gus2 niya, gus2 niya ipagpatuloy ko mga pangarap niya. Gus2 nya mag C.A.T aq, nagswimming naman ako, Gus2 nya magsundalo din ako, pero and2 ako ngaun. tinatry q iprove ung sarili ko sa kanya, pero parang di niya ako napapansin, pero alam ko balang araw maproprove ko ung sarili ko sa kanya. Mapapansin din niya ako at ipagmamalaki,(bumalik ang scene kila Red at Ken, hindi gaanong kaemosyonal si Ken). Pasensya na Red, ang dami ko na ata nakwento sayo."- nakangiting tugon ni Ken sa kaibigan.

"its okay bro, at least naiilabas mo yang asa dibdib mo, and thank you for trusting me with those stories"- nakangiting tugon din ni Red. "btw Bro, tayo sa bahay i want to give you something."

Scene 12: Red's Family Secret Location: At Sanchez' House

Nakarating na sila Ken sa bahay nila Red, pagkarating doon ay tinawag agad ni Red si Anne.
kumatok sa si Red sa pinto ng kwarto ni Anne. lumabs ito, at hiyang hiya si Anne ng lumabas ng makita si Ken, dahil mejo madungis siya dahil tinatapos niya ang isang project at hindi pa naliligo, dahil nga secretly inlove si Anne kay ken kaya siya nahihiya at may sekreto syang ginagawa na may kinalaman kay Ken.

"Anne, can i have your gameboy?, gamitin lang namin ni Ken"- tanong ni Red sa kapatid. Hindi mapakali si Anne dahil nga di pa siya naliligo, nakatago siya sa may pinto at ulo lang nakalabas.

"uhmm, e.. I think nasa atique un, matagal ko na kaya di ginagamit, cge na po bye.."- nabubulol bulol na sagot ni Anne.

"oh Okay. ano ba nagyayari sayo? ano ginagawa mu jan? patingin nga.." papasok sana si Red sa kwarto ni Pero..

"Oh... No Kuya!!!" Beh!!!"- sabay sara ng pinto ni Anne. Umakyat naman ng atique sila red at ken. Pinakita muli si Anne sa loob ng kwarto niya na nakangiti habang pinagmamasdan ang Painting na gaw niya, pininta niya si Ken.

"Just a sec bro, let me check that box, baka andun ung Gameboy, you help me nalang din"- sambit ni Red. at hinanap nila sa mga box sa atique ang gameboy.

"Alam mo bro, dito kasi namin nilalagay ung mga hindi na ginagamit, sabi ko nga kay Mommy, i donate nalang namin o kaya mag garrage sale, pero sabi niya lahat daw to me mental value para sa kanya. "- kwento muli ni Red, samanta nakikinig lang si Ken, nabuksan naman ni Ken ang isang box na punong puno ng Libro,

"Red, andami nyo palang Libro dito, bakit nakatago?, sayang naman", kinuha niya ang isang libro at binuksan, meron nahulog na picture mula sa libro.

"Uhm, kay dad lahat ng books nayan"- sagot ni Red,

"Red, sino to?", tanong ni Ken at ipinakita niya ang picture na nahulog mula sa libro.

"Umm, that's our dad and andrew"- sagot ni ken"

"sya pala daddy nyo, asan nga pala siya wala ka nakwekwento tungkol sa kanya, tita mo ba ung babe dito, ang ganda niya?"- tanong muli ni Ken,

"Wala na si Dad, he passed away 13 years ago"- sagot ni Red na parang nalungkot.

"Im, sorry..."- sambit ni Ken.

"its, okay.. Si Tita Genda ung nasa picture, cousin ni Mommy, sya ang mommy ni Andrew",-sambit ni Red, nagulat si Ken sa narining at tanging nabanggit, "ha?"

"Yep, half brother ko si Andrew, I was 6 years old when my mom discovered about the secret relationship between Dad and Tita Glenda, I still remember that day. (flash back, bata pa si Red at Anne). Binalita ng isa sa mga kaibigan ni Mommy na asa Quezon, Lucban Quezon to be exact, remember before, natigilan ang lahat ng malamn nina mommy that your from Lucban. That time almost 1 year na hindi umuuwui si Dad, and nung nalaman ni Mommy na nasa Lucban si Papa kasama si Tita Glenda, dali dali kami pumunta sa lucban, and i can feel how hurt my mom was, That Time, my dad is working in a bus Terminal in Lucban, sinugod sya ni Mommy at nag eskandalo, i cant blame mom. kc nga hindi nagparamdam si Dad for a year. the worst part is when when my mom finds out about Andrew. I was 3 months older with him, so ibig sabihin during the year na kinasal si Mom and Dad, me relasyon na sila Tita Glenda. Kahit di ko pa masyado naiintindihan ang nangyayari, I really felt how hurt Mom was, specially nung pinatabuyan sya ni Papa sa harap ng maraming tao. and that was the last time i saw dad, after that wala na kami narining na balita sa kanila, pero a year after were all shocked seeing a news in TV that Dad and Tita Glenda has been murdered in their own house. Andrew is Lucky that he had survived from the murderers, pero ilang buwan din tulala si Andrew, and dahil wala ng ibang mag-aaruga sa kanya si Mommy na ang tumayong magulang niya, itinuring siya at minahal na parang totoong anak, Pinagamot siya hanggang makarecover, (balik ang scene kila Red at Ken) Un nga lang epekto siguro ng shocked from what happened in his childhood, masungit si Andrew at di kami magkasundo." kwento ni Red, si Ken naman ay tahimik lang habang pinakikingan ang kwento ng kaibigan, naputol ang pag-uusap ng dalawa ng dumating si Anne.

"Hello!!!, Nakita nyo ba ung Gameboy?"-pabulaga na sambit ni Anne. natulala naman si Ken at Red ng makita si Anne, dahil bagong ligo ito at parang pupunta ng party, naka headband na may ribbon, nagpapacute..

"Oh, what happened to you?, san punta mo?"- tanong ni Red na pinipigil ang pagtawa.
"Umm, wala naman... masama ba mag-ayos?- sagot ni Anne na parang naiinis sa kuya niya.
"You looked Different kasi, hehe"- sagot ni Red, nagpaalam naman si Ken na uuwi na sya.

"Red, Anne, kelangan ko na umuwi.. "- nakangiting paalam ni Ken,

"Oh, cge pahatid ka nalang sa driver"- sagot naman ni Red,

"Wag na Red, mag commute nalang ako"- sambit naman ni Ken. at bumaba na ng hagdan ang tatlo. ng asa pinto na sila nagpaalam na si Ken.

"Salamat... Bye. (tumalikod ito, pero humarap uli at nakangiting binanggit) Anne ang cute mo" at lumabas na ng gate si Ken. kinikilig naman si Anne pero pinipigil para di obvious.

"Mabuti naman at okay na si Ken"- sambit ni Red habang nakatingin sa papalayong si Ken.

"bakit kuya, ano nangyari?"- curious na tanong ni Anne.

"break na kasi sila nung Girlfriend niya.. mahal na mahal pala nya ung GF niya."-sagot ni Red.

"Oh, talaga?.."- sagot ni Anne na natahimik ng saglit, nagshift na ang eksena kay Ken.

Scene 12: The rescue
Location: at the Street, Bodega.

Pagkababa ni Ken ng jeep sa Taft, naglakad siya patungong dorm, mejo madilim pa ang daan doon pero sanay siya, sa dika layuan na kita niya ang isang batng tumatakbo palapit sa kanya. hangggang makalapit ito.

"Kuya, kuya tulungan mo ako"- nagmamakaawang tinig ng bata na parang takot na takot. nagshift ang eksena sa 2 mama' na parang mayroon hinahahanap. nakalampas na ang dalwang mama, pinakita si Ken at ang bata nakatago sa likod ng isang basurahan. Nakilala ni Ken ang bata, isa ito sa mga St. Children na minsay nabibigyan nya ng pagkain malapit sa University. tinanong nya ang bata.

"Ano nangyari?"- tanong ni ken ng pabulong.

"Salbahe sila, Pinipilit nila kami manlimos, at kapag konte nabigay namin di nila kami pinapakain tas binubugbog pa... tulungan mo kami kuya.. gus2 ko na umuwi samin, gusto ko na makita si Nanay, Si Kuya Bryan, tulungan natin sya, papatayin nila si Kuya."- paliwanag ng bata na umiiyak. Ang batang iyon ay isa sa mga batang ginagamit ng mga sindikato. umalis ang dalawa pinagtataguan at pumunta sa mataaong lugar, gamit ang cellphone niya ay tumawag siya ng mga pulis sa tulong narin ng mga tao sa 7-11. Dumating ang mga police at dumeretso sa lugar na itinuro ng bata na pinagtataguan ng mga sindikato. nagkaroon ng palitan ng putukan at di naglaon ay na rescue ang iba pang mga bata. nahuli ang mga sindikato. mayamaya pa ay dumating ang media, at ininterview si Ken. matapos ang interview.

"Okay ka na ba?"- tanong ni kenneth sa bata..

"Salamat kuya, makakuwi na kami sa pamilya namin"- umiiyak na tugon ng bata., niyakap ni ken ang bata hanggang dumating ang mga taga DSWD at nagpaalam na si Ken sa mga bata. mayamaya pa nag ring ang cell phone niya.."

"Hello, karla? bakit?"- pagsagot ni Kenneth sa cellphone at nagshift ang eksena.

Scene 13: The Start Location: AT the Bus Station

Agad pinuntahan ni Ken ang kapatid na parang may malaking problema, hinanap niya ito sa bus station sa buendia, nakita niya si karla sa isang waiting area doon, pagkakita sa kanya ng kapatid ay agad siya niyakap at naiyak na si Karla . nakita niyang ay pasa sa mukha ang kapatid.

"Oh, anong nagyari sayo?"- nagaalalang tanong ni Ken,

"Kuya si Papa, ayoko na umuwi satin, sumusobra na sya, wag mu sasabihin and2 ako sayo.."- umiiyak na sambit ni Karla.

"sige, sige, wag ka na umiyak, teka, tayo na punta na tayo sa dorm"- sagot ng kapatid na pinatatahan sa pagiyak ang kapatid. Nag-aabang ng taxi ang magkapatid sa may bus station, makalipas ang ilang minuto ay nakapara din sila ng sasakyan, ng papasakay na si Ken ng Taxi, napansin niya ang isang babae na kahawig ni Shine ngunit kakaiba, nagsisisgarilyo, maiksi ang suot ant makapal ang lipstick, asa may kanto ito ng bus station at may kinakausap na lalaki sa loob ng itim na kotse, di nagtagal ay pumasok din ito sa loob ng kotse ng lalake. at dahil papaalis na taxi nila kenneth ay dina nya napagtuunan ng pansin ang babae at mas inintindi ang kapatid. Nang makarating sa dorm ang magkapatid ay kinausap ni Ken ang landlady na si Ate Beauty, nakiusap siya dito na wag sabihin sa mga magulang nila na andun si Karla. Pinatulog muna ni Ate Beauty si Karla sa Ladies room na nagkataong meron pang bakante. Pagkapasok naman ni Ken sa kwarto niya, agad siya kinausap ni Wally na parang may problema din.

"Pare, diba bibili ka ng Laptop?, bilhin mo nalang to sakin, complete package, 6 months ko lang nagagamit.. kaya oks. na oks.. ano gusto moba?"- tanong ni Wally sa room mate.

"Bukas nalang Wal!," sabay higa ni Ken sa kama, dahil siguro sa daming nagyari ng buong araw naun ay pagod na pagod kaya nakatulog agad.

Kinabukas late na nagising si Ken, at matamlay ito dahil narin sa break up nila ni lovely, hindi na nakapg almusal si ken at hindi na naasikaso pa si karla dhil meron pa siyang reports na gagawin sa klasew ni Mr. Tan. pansin naman ni Ate Beauty at Wally ang tamlay ni Ken at tinanong kaptid nitong si karla kung anong nagyari. Magkakilala narin kahit papano si Karla at Wally.

"Ano nagyari sa kapatid mo?, bakit parang pasan niya ang mundo"- pabirong tanong ni wally kay karla

"Ou nga neng, ngayon ko lang nakitang ganyan yang batang yan"- sabat din ni Ate Beauty.

"nakwento nya sakin sa taxi kagabi, break nadaw sila nung Long Time Girlfriend niya, ayun sobrang mahal kasi ni Kuya si Lovely, kaya siguro ganyan sya ngaun"- paliwanag naman ni Karla.

"Ah, kaya pala, yaan mo.. ako bahala jan kay parekoy!"- pagmamayabang naman ni wally, walang ano ano ay nakaramdam ng pagsuka si Karla at dumerto sa C.R.

"Ayan kc Wally, Maligo ka na! at nagangamoy na!!!" biro ni Ate lovely at sinundan na si Lovely sa C.R

"Mejo maasim nga, pero naligo naman ako last week"- bulong ni Wally sa sarili. at dun na natapos ang eksena.


Random Scene:
Nagrereport si Ken sa subject ni Mr. Tan, dahil di gaanong napaghandaan ay mejo pumalya sya. kahit sa practice ng swimming ay wala sya sa concentration.

Niyaya ni Red at ni Shine si Ken sa Mall, sumama naman ito pero parang mas lalong na depress kc ang sweet ni Red at Shine, di sinasadyang andun din si Anne, nanood sila ng sine, matapos manood ay nagkahiwalay sila, at si Ken at Anne ang magkasama, alam ni Anne ang sitwasyon ngaun ni Ken at pilit niya pinayasaya si Ken na kung tawagin niya ay Kuya. Pinakitang nag-uusap si Anne at Ken sa labas ng Mall, pero di naglaon ay parang nailang sila sa isat-isa, ramdam ito ni Red at ni Shine ng muli sila magkita sa labas ng mall upang umuwi na.


Scene 14: Shine's Secret Location: Malate
Pagkauwi ni Ken ay agad siyang inaproace ni Karla, Ate Beauty at Wally. Niyaya ni Wally si Ken sa isang lakad, kahit ayaw ni Ken ay wala siya magawa kundi sumama kay Wally. Sumakay sila ng Taxi at bumababa sila sa isang club sa Malate. Papasok na sila sa loob ng club.

"Ui wally ano ba gagawin natin dito.."_-tanong ni Ken ng pasigaw dahil malakas ang music sa loob ng club.

"Basta!!! teka hanapin muna natin ung friend ko"- sagot ni wally, hinanap muna nila ang kaibigan ni Wally, nakita nila itong nakaupo sa may unahan, pumunta sila doon at ipinakilala ni Wally ang kaibigan kay Ken. na nagkataon ang kaibigan ni Wally ay si Andrew ang kapatid ni Red at Anne.

"Magkakilala kayo?"- nagtatakang tanong ni Wally sa dalawa.

"Ou lover sya ng kapatid kong walang kwenta, oh Joke lang pre.."- maangas na sagot ni Andrew.

"Ano ready ka na ba?"- tanong ni Andrew kay Ken,

"ready san?"- tanong ni Ken,

"Pre ano ba ginagawa ng mga lalaki dito?, your kidding me " - sagot ni Andrew,

"You'll gonna have fun here dude, The best dito pagpapawisan ka!"- sabat ni Wally

"ha? ayoko.. uuwi nako.."- pagtanggi naman ni Ken,

"Bakla ka ata pare e,"- pabirong tanong ni Andrew kay Ken.

"Ou nga pre, bakla ka ata e, nagpareserve pamandin ako nung baguhan lang dito para sayo"- biro muli ni Wally.

"Ako Bakla? di a, di ako bakla"- pagtatanggol ni Ken sa sarili.

"then prove it"- sagot ni Andrew na mejo lasing na. maya maya pa ay may lumapit na babae kay Ken.

"Mr. Kenneth Dominquez, ready na po ba kayo?" tanong ng babe at hinatid siya nito sa isang kwarto sa 2nd floor. umalis na ang babae pagkahatid sa kanya. Pagkapasok ni Ken sa kwarto na mejo madilim at erotic ang dating, tining ng isang babae ang nadinig niya habang nakaupo siya sa kama.

"Sir, pakailis nalang po ng damit at pantalon nyo, (nag-alis na nag damit si Ken) nanjan po ang tuwalya sa gilid, kung gusto nyo po muna mag shower pwede din po, btw , Lotion or powder po ba para maaus ko na.,. siguro po napaliwanag na senyo nung babaeng naghatid senyo, 1.5k ang massage session for 48 mins, kung gus2 nyo po ng extra service dagdag ka ng another 2k good for 1 hour nayun so ano.. po gus2 nyo?".sabi ng babaeng nasa likuran ni Kenneth, tumayo si Ken at humarap sa nagsasalitang babae, pag harap niya laking gulat niya ng makitang.

"Shine,"- bigkas ni Ken na gulat na gulat sa nakita, Nakatapis lang ng tuwalya si Shine.

"Ken, anong.."- gulat na bigkas din na di alam kung anong magiging reaksyon niya. natigilan ang dalawa, samantalang sa di kalayuan ay ay nanood pala sa butas si Wally at si Andrew ay gulat din sa nakita, ng si Andrew ang sisilip, ibang eksena ang nakita niya. Hinahalikan ni Shine si Ken at kinunan ng video ni Andrew. dahil mayroon nakakita sa dalawa na namboboso ay pinababa ang dalawa. bumalik ang eksena kila Shine at Ken, Nakaupo si Shine sa may dulo ng Kama na umiiyak at Ken ay asa may paahan at pawisan. (Bg Music Plays) ng biglang nag nag ring ang cellphone ni Shine.

"ano po. anong nangyari, san po?"- tanong ni Shine sa linya ng C.p na waring may nagyaring masama.

"Bakit anong nagyari?"- tanong ni Ken,

" Si Mommy,"- sagot ni Shine. agad nagbihis si Shine gayun din si Ken, sinundan ni Ken si Shine at nakarating sila sa isang hospital, nagtanong si Shine sa nurse sa lobby doon at ng makarating sa room 412, sinalubong siya ng isang babae (tita niya) at doon naabutan niyang pumanaw na ang mommy niya. Doon naintindihan ni Ken kung bakit ginawa nito ang ganong trabaho para sa ina niyang may karamdaman.

Pumasok si Shine sa room ng mommy niya at di na napigilang umiyak, si ken naman ay nasa labas ng kwarto, gusto sana niya pumasok para makiramay ngunit andun pa ang ibang kaanak nila shine. Umupo si Ken sa isang upan doon at narinig niya ang usapan ng 2 babae na waring kamaganak o kapitbahay ni Shine.

"Kawawang bata, last year lang pumanaw ang daddy niya nabaon pa sila sa utang.. ngaun ulila nalang ang batang iyon"- sabi ng isang Ale,

"Ou nga, nadinig ko kanina na di pa cla idedischarge d2 kasi walang pambayad sa Hospital bills"- sunod naman ng isang ale. Tumayo si Ken at tiningnan muli ang si Shine na nagdadalamhati. Dumeretso sya sa Head cashier sa hospital at tinanong ang bills nina Shine, doon nya nalaman na 6k nalang ang kulang, meron pa siyang natitirangpera, ung pambili niya sana ng Laptop, binayaran niya ang bill, matapos yoon ay tinawagan niya si Red, maraan ang ilang minuto ay dumating si Red sa Hospital, at doon naman nagpaalam si Ken para umuwi na.

Random Scene:
Nagpunta ang mga ka-youth group nila sa lamay ng mama ni shine, andoon din sila Ken at isinama niya ang kapatid na si Karla,

Merong tumawag kay Ken from NBI para bigyan ng pranagal at nag set sila ng sched.

Si Karla ay nadadalas ang pagsusuka

Inilibing na ang mommy ni Shine


Iniiwasan ni Anne si Ken. Gayundin si Shine kay Ken.

Binili ni Ken ang Laptop ni Wally.

pinarangalan na si Ken ng NBI dahil sa pagtulong nito sa pagkakaligtas ng mga St. Children. at doon si Red at si karla sa pagpaparangal kay Ken.

Scene 15: Karla's Secret Location: At the Dorm.

Nag-uusapa si Karla at Ken sa kwarto,
"Ngaun mapapatunayan ko na kay papa na kahit di ako nagsundalo, makakatulong parin ako sa kapwa natin.sana maipagmalaki narin nya ko"- Kwento ni Ken sa kapatid habang tinititigad ang plaque na natanggap mula sa NBI,

"ay naku kuya, ewan ba jan kay papa.. alam mo kahit wala ka nyang award nayan, dabest kaprin para sakin"- sambit ni Karla sa kapatid.

"Hmm, ano na naman yan, me kelangan ka na naman no?"- biro ni ken sa kapatid.

"Ano kaba kuya, wala q kelangan no, totoo kaya yun. your the best Kuya in the world."- sambit ni karla, ngunit bigla naman ito nakramdam ng pagsuka, dumertso ito sa CR.

"Napapadalas ata pagsususka mo ah, "- tanong ni Ken sa kapatid na nasa C.R

"wala to kuya, may nakaibn lang siguro akong ayaw tanggapin ng sikmura ko"- paliwanag ni Karla. Samanta napansin ni Ken ang cellphone ni Karla, naka silent mode ito ngunit may message, aksidenteng nabasa ni Ken ang Message.

"Di ko pananagutan yan, wala pa sa isip ko magkapamilya, never text me again. Sender: DREW"- nagulat si Ken sa nabasa, at kinalikot niya ang cellphone ni karla, nakita niya sa gallery ang picture ni karla kasama ang isang lalaki, at gulat na gulat ito. agad niya pinuntahan sa c.r ang kapatid.

"Buntis ka ba?"- tanong ni Ken sa kapatid.

"Kuya anong pinagsasabi mo, hindi, hindi ako buntis"- paliwanag ni karla na kinakabahan na.

"Kaya pala nadadalas ang pagsususka mo, kaya ba ayaw mo ipaalam kina mama na andito ka? buntis ka ba!!!!?"- galit na tanong ni Ken. unang beses nakita ni karla na nagalit ang kapatid sa kanya at sa takot ay nasabai niya ang totoo.

"Ou kuya, buntis ako..., pero di ko sinasadya, hindi ko alam na darating sa ganitong sitwasyon.."- umiiyak na bigkas ni karla.

"At ngaun ayaw ka panagutan ng lalaking yoon... ito ba sya?"- sambit ni Ken at pinakita sa kapatid ang cellphone nito, doon magsama si Karla at Andrew, ang kapatid ni Red.

"Ou kuya, pinaniwala niya ako na mahal niya ako, ngaun ayaw niya ko panagutan, natatakot ako kay papa", - sambit ni Karl;a na umiiyak na. nakilala ni Karla si Red sa Debut ng isang kaibigan niya sa prbinsya, sya ang lalaking kinukwento niya sa kapatid dati.

Niyakap ni Ken ang kapatid at makalipas ang ilang minuto ay umalis to ng dorm kasama si Karla, hindi alam ni karla kung san sila pupunta. hanggang makarating sila sa bahay ni Red.

Scene 16: The Confrontation Location: At Sanchez's family.
"Kuya anong ginagawa natin dito?"- tanong ni Karla sa kapatid ng makapasok na sila ng bakuran nila red. samantala lumabas si Red para salubungin si Ken.

"Hey Bro, wazzup, hey karla".- nakangiting bati ni Red kay Ken,

"Pare asan si Andrew kelangan ko syang kausapin"- tanong ni Ken na pinipigil ang tawa.

"wala sya dito e, bakit bro me problema ba?"-tanong ni red, di sinasadya na kararating lang ni Andrew pagkababa niya sa sakyan, nakita niya si Karla ta gulat na gulat siya, gayundin din si karla ng makita si Andrew, walang ano- anu ay biglang sinuntok ni Ken si Andrew.

"Walang hiya ka pare, kapatid ko ang tinalo mo! ayaw mo panagutan ang ginawa mo, anong klase kang lalaki"- bigkas ni ken sa nalupaging si Andrew dahil sa suntok, pinigil naman ito ni karla aty ni red, tumayo si Andrew at ginantihan si Ken.

"Dont act that your innocent!!! Pare wag ka magbait baitan, e ikaw nga pinagsawaan mo ang pok pok na girlfriend ng walang kong kwentang kapatid"- bigkas ni Andrew ng may pagmamayabang.

"What are you talking about, sinong ano, anong.."- tanong ni red na naguguluhan. si Ken naman ay natigilan.

"See your seld brother..." binigay ni Andrew ang cellphone niya kay red at napan ood niya ang video ni Ken at ni shine, pumasok sa loob ng bahay si Andrew.

"Traydor ka Ken, traydor!!!" sabay suntok ni red kay ken. lumabas ng bahay ang mommy ni ken at si Anne.

"What's happening here? stop them, andrew stop them."- sambit ni Mrs. Sanchez. hindi lumalaban si Ken kay Red.

"Red, let me explain.. hindi ganun ang nagyari"- paliwanag ni ken sa kaibigan.

"Wala ka na dapat ipaliwanag, traydor ka!"- sambit muli ni Red. lumapit na si Mrs. Snachez at pinigil ang dalawa.

"You two, stop... Ken, get out, get out now!!!!!"- sigaw ni Mrs. Sanchez.
Lumabas na ng gate sila ken at karla, habol tingin si Anne kay Ken na me dugo na sa ilong, si red ay pumasok sa loob ng bahay ng umiiyak.

"kuya sorry, sorry...."- sambit ni Karla ng umiiyak at di makapaniwala sa nagyari.
"Okay lang ako"- sagot ni Ken habang pinapahid ang dugo sa ilong. biglang nag ring ang cellphone ni Ken, tumatawag si Ate bEauty. dali dali silang pinauwi ng dorm dahil andun daw ang mama nila at ang papa nila na galit na galit... nagfade na ang eksena.

Scne 17. Angry Father Deeds Location: Dorm.
pagkarating nila sa dorm ay agad sila sinalubong ng landlady na si Ate BEauty,

"Ken, ang mama mo at ang papa mo nasa 2nd floor naghihintay senyo. ang papa mo galit na galit."- pag-aalala ni ate beauty.

"Kuya natatakot ako"- takot na bigkas ni Karla.

"wag ka mag-alala ako bahala sayo"- sambit ni ken sa kapatid, umakyat sila ng hagdan. nakita nila ang mama nila na nakupo doon, nang makita sila ng mama nila, agad nsila nitong nilapitan, at niyakap si Karla.

"Ano ba nagyari senyo... galit na galit ang papa niyo, oh ken napaano yan?"-tanong nmg mama nila,

"Ma, sorry po.."- sambit ni Karla sa ina habang nakayak.

"Anjan na yan anak wala na tayo magagawa.."- sagot ng mama nila.

"Ma si Papa po? " tanong ni Ken...

"Asa banyo pa, naku... eto nga ba sinasabi ko.."- sagot ng mama nila ng pabulong. di naglaon lumabas ang papa nila at ng makita si Karla, ay nito hinila ang buhoy ni karla.

"Ikaw na bata ka!!!"- galit na sambit ng papa nila.

"Pa, tama nayan, buntis ang ank mo baka kung anong magyari"- sambit ng mama nila habang pinipigil ang asawa sa pananakit sa anak.

"Pa nasasaktan ako, tama napo"- iyak ni Karla. pinigil din ni kenneth ang ama.

"pa tama na po yan... bitiwan nyo na si karla"- sambit ni ken habang pinipigil ang ama. ngunit nasiko siya ng ama at natumba siya.

"Tumigil ka kenneth, magtutuos tayo mamaya!"- at muli neto binalikan si karla, sinasampal, hanggang maitulak, nakita ito ni kenneth at ginantihan ang ama..

"Sumusubra ka na pa!" - sigaw sa ama sabay suntok d2. Nagulad ang papa nila sa lakas ng suntok ni Ken, kaya gumanti rin ito ng suntok at di sinasadya nahulog sa hagdan si Ken. natigilan ang papa nila. nakita ni ate beauty si ken sa baba ng hagdan na wala ng malay at may dugo sa ulo, samanta si Karla ay dinugo.... natigilan ang lahat isinugod ang magkapatid sa hospital.

==End of Chapter 3==

No comments:

Post a Comment