Search This Blog

Sunday, July 5, 2009

The Bus Station: Chapter 1

Photobucket
Chapter 1

Characters:
Kenneth "Ken" Dominguez Jr. - Enchong Dee
Mrs. Naneth Dominguez- Irma Adlawan
Mr. Kenneth Dominguez Sr.- Al Tantay
Karla Dominguez- Janelle Quintana
Lovely Suarez- Empress Shuck
Rex Chua- Cris Guttierez
Alfred "Red" Sanchez- Dino Imperial

Note: Colored green text are revised and added scripts.

Intro:

Nagsimula ang scene sa isang bus na kakaalis lang bus station, sunod pinakita isang panyo, kulay pink na gameboy at gameboy cartridge na hawak-hawak ng isang lalaki sa loob ng bus, Pinakita ang mukha ng lalaki at ito si Kenneth, nakangiti siya habang pinagmamasdan ang mga hawak niya, mayamaya pa, binuksan nia ang laptop , sa pamamagitan ng 3G cellphone ay nag-internet, nag log-in sa multiply account niya at nagsimulang magtype ng blog.

"Sabi nila, ang buhay daw ay parang isang Biyahe, hindi tayo makakarating sa patutunguhan natin, kung hindi tayo magmumula sa ating pinangmulan. Hindi natin makakamit ang mga ninanais, kung wala tayong gagawing paraan makamit ang mga ito"

"Ganun nga siguro ang buhay diba?, at minsan hindi natin namamalyan na lumilipas na pala ang panahon, tulad ko, ngaun ko lang naiisip na Parang kelan lang nang magsimula ang pinakamagandang biyahe ng buhay ko."

pinakakita ang bus na papalayo na at nag fade sa sumunod na eksena.


Scene 1: The Letter
Location: Dominguez Residence

“Masaya ako para sa iyo Ken, malaking tulong ang scholarship nayan para makaptapos ka ng pag-aaral” sabi ng mama niya.-

“oo nga po, Ma, Paghuhusayan ko talaga para sa inyo”- sagot naman ni ken.

Mayamaya pa ay dumating na ang kaniyang ama, agad naman ito inapproach ng asawa
“O, Pa. ang anak mo nakakuha ng scholarship sa isang malaking unibersidad sa maynila, eto tingnan mo ang confirmation”, -

“akina, mabuti naman at hindi na natin kelangan kumayod para sa tuition fee mo. Teka, napakain mo naba ang mga manok?”- sabi ng papa niya. “di papo, pa kasi…”, -dipa tapos magsalita si ken ng...

“Punyeta, anong oras na, yang katamaran mo pinaiiral mo na naman!, diba sabi ko pakainin sa oras ang mga manok. Hala, cge at pakainin mo na ang mga manok! bilis”, “Opo”,- sinunod ni Ken ang utos ng papa niya.

“Ikaw talaga pa, di mo man lang kinonsider ung scholarship ng anak mo.”,- bulong ng mama ni ken sa asawa.- “ah tama nayan dadakdak ka na naman,.. Ano ba ulam?”. - sagot naman ng asawa.

Samanta habang nagpapakain ng mga manok, ay dumating ang kaptid niyang si Karla,
“Uy Karla, san ka nanaman galling, anjan na si papa. Lagot ka na naman!”- bulong ni Kenneth,-

“ha?, kala ko ba mamayang gabi pa balik niya.. nyay..”-pabulong na sagot ni Karla. bilis bilis niyang hinubad ang magara niyang damit at itinago ang bag sa may sulok ng kanilang kubu-kubuhan..

"San ka ba galing? kanina ka parin hinahanap ni mama, di ka man lang nagsabi na aalis ka!?"- tanong ni kenneth sa kapatid.

"Galing ako kila Princess, remember debut niya ngaun... ang ganda ng party. Ako kaya, bigyan ng party sa debut ko?, pero alam mo Kuya the best thing about that party. may nakilala akong super cute na guy, taga manila siya. Hiningi nga nya number ko.." kinikilig na kwento ni Karla, ngaunit naputol ang usapan nila ng...

“Karla… Asan kabang bata ka??!” sigaw ng kanilang ama,

"Andito po pa.. tinutulungan si Kuya Ken “, takot na sagot niya sa ama -

“Pumasok ka nga dito at magsaing kana! Bilis”,-galit na sigaw ng ama.
“opo!!!! anjan na!, ..kuya ken ung bag ko ha, pakipasok sa bahay maya. Hehe.. cge umiinit na naman ang ulo ni Hitler..” –bulong ni Karla sa kapatid. at doon na natapos ang eksena at nagfade sa susunod na eksena.



Scene 2: The Practice Location:
At the High School Public School,


Papasok ng gate ng school si ken nang meron tumawag sa kanya, “Kenny!!! Hintay!!” sigaw ng isang babae na pababa ng tricycle,
“Uy, Love…”-sagot ni Kennet ng Makita ang babae, nilapitan nya ito at kinuha ang bag. Si lovely ang 1st girlfriend ni Ken, mahigit isa at kalating taon na silang mag-on,

“Kenny, tampo naq sayo.. di ka man lang nagtetext..” -bungad ni Lovely sa Boyfriend.

“Oh sorry, nasira kc ung cellphone ni Karla, kaya pinahiraman ko muna ung sakin, alam mo naman un, mamamatay kapag di nakapagtext. Hehe”, paliwanang naman ni Ken sa Girlfriend.

“ah ganun ba, kaya pala cannot be reach yung c.p mo, nga pala musta ung inaplayan mong scholarship sa Manila?”.-banggit ni Lovely

"Ou nga pala, Pasado aq. Full scholarship.. , kahapon q natanggap ung result.”, masayang binalita niya sa Girlfriend.

“Wow, congrats ang galling talaga ng Hubby q. hehe”,
“Hubby??, ang sweet naman, kaya love na love kita e.. “- nagpatuloy sa pakwewentuhan at paglalambingan ang dalawa hanggan makaupo sa isang bench.

“E ikaw Love, san ka mag-aaral ng college?”. tanong ni Ken,

“sabi ni Mommy, sa Cebu daw, alam mo naman si mommy, kung anong gusto niya yun ang masusunod”,- malungkol na banngit ni Lovely.

“Oh, ang layo naman, panu na tayo?”.- malungkot na tanong ni Ken,
“Ano kaba, ano ginagawa ng cellphone?, ng internet?, wala magbabago.. promise”.

“talaga lang ha… hmmm, parang kelan lang noh, bukas Graduate na tayo, Mamimiss ko lahat dito”.

“oo nga e, basta aq ang pinakamimis ko ung hubby ko, hehe”.

“Ikaw din mamimis kita sobra”, naputol ang usapan ng dalawa ng..

“4th year students please prepare, were about to start our last practice for the graduation ceremony tomorrow”- isang announcement mula sa isang teacher (M.C) sa stage ng School., at nagsimula na nga ang practice…


Scene 3: Goodbye Highschool
Location: At the Public School,

Naghahanda na ang lahat para sa pagsisimula ng graduation ceremony. “Ma, dito upuan nyo, asan po si Papa?”-tanong ni Kenneth sa kararating lang na ina.

“Susunod nalang sya Ken, Oh ang gwapo talaga ng anak ko” (sabay halik sa pisngi ng anak), “Ma, nakakahiya po, dina po ako bata..”- sagot ni Ken,.. naputol ang usapan ng mag-ina ng

“Everyone, our much awaited event is about to start in a minute, so graduators please get ready”- announcement mula sa isang teacher.

“Ma, sige po, punta napo ako doon”.. at nagsimula na ang marching, speech from the salutatorian and valededictorian, si Kenneth ay isa ring honor student,

"Our 2nd honorable Mention, ..Kenneth Dominguez Jr.” ang kanyang mama ang nagsabit ng medal, malungkot si Kenneth dahil sa mga oras nayon ay wala parin ang papa niya…

Naparangalan din si Kenneth bilang Sportmen of the year dahil sa mga karangalang binigay niya sa paaralan ng manalo siya sa mga swimming competitions. isa rin ito sa dahilan kung bakit nabigyan siya ng full scholarship sa Unibersidad.

“And our much awaited award is about to be revealed, Who will be this years 'Student of the Year?'”- isang masayang banngit mula sa principal ng school. “And our Student of the Year, Batch 2007 Graduates is…… Kenneth Dominguez” isang malaking surprise ito para kay Kenneth,

“Kenneth and his Parent please come to stage to take the award” sa mga oras nayun ay inaasan parin ni Kenneth na dumating ang papa niya para siya sana ang magsabit/tumanggap ng award pero hindi ito dumating.

pagkatapos ng ceremony. "ken... ken, tawag ng mga clasmates niya." at nilingon naman ni kenneth, "oi tsong, congrats..." bati ng isa sa mga classmates niya,

-"Oi, salamat.. dikorin inexpect, hehe" sagot naman ni ken sa classmate
"Ano mamamaya sa bahay? inuman tayo.."tanong ni rex kay Ken. - "nyay di ako papayagan ni Mama". nadinig ang mama ni kenneth ang usapan ng magclalasmate,
"Cge na kenneth, pumunta ka... last time na kayo magsasama-sama, aq na magsasabi sa Papa mo.", banngit ng mama niya. "Talaga Ma?, salamat po, your the best talaga!",
"O ayan tsong mamaya sa Bahay ah,?! asahan ka namin.., Uy tsong, si Lovely kasama Mommy nya, lagot ka!."- biro naman ni Rex kay Ken ,

Kahit matagal na ang relasyon nila Lovely at Kenneth, ni minsan ay di pa nakapunta sa bahay nila lovely si Kenneth, takot sia sa mga magulang nito atr dahil narin isa ang pamilya niya sa pinakamayaman sa probinsya nila.

"Kenny, Hello po Tita (sa mama ni kenneth) , Mommy ko po, Mommy si Maam Dominguez po at si Kenneth, sya po boyfriend ko", halos di makatingin si kenny at kinakabog ang dibdib habang kaharap ang mommy ni Lovely.

"Hi, po.." nahihiyang pagbati ni Kenneth,

"Oh, ikaw pala si kenneth, nakita din kita ng personal, Congratulations for that award."- bati ng mommy ni lovely,
"Thank you po"- nahihiyang sagot naman ni kenneth
"Your welcome, iho, Hmm, Maam Dominguez kayo po pala ang mommy nitong si Kenneth, proud po siguro........" at nagusap na ang mama at mommy nila Kenneth, ang mama ni Kenneth ay isang iginagagalang na public school teacher sa Elemtarya.

"Love, sasama kaba sa bahay ni Rex mamaya?", tanong ni kenneth sa girlfriend

"ou, pinayagan aq ni Mommy kaso hanngang 11 lang daw ako, susunduin ako ng driver, kainis..."
"di bale, atleast pinayagan ka, kita nalang tayo mamaya dun ah...",- at doon na natapos ang eksena at nagfade sa sumunod na eksena.

Scene 4: The Last Night
Location: At Rex's house,
Halos lahat ng classmates ni Kenneth ay nasa bahay na ni Rex, Nalate siya ng konte dahil inutusan pa sia ng Papa niya ng pakain ng mga manok at pinaglinis pa ng kanilang manukan., nang papasok na siya sa gate nila ay sinalubong siya ni rex na mejo lasing na.

"Oi tsong, kanina ka panamin hinihintay, late ka talaga lage, hey guys... Andito na si Ken, asan na tagay niya..." at sumabay na siya sa tagay at tumabi kay Lovely na mejo lasing na rin, makalipas ang ilang minuto ng tagayan, ay nakaramdam na ng pagsuka si Lovely at inalalayan naman siya ni kenneth sa c.r. inadvice na ni rex na dalhin muna si Lovely sa guest room nila at sinamahan naman ni Kenneth si Lovely dun para alalayan, habang ang ibang mga classmates nila ay nasa labas at patuloy ang tagayan, naiwan ang dalawa sa kwarto, pinagmasdan niya ang kanyang girlfriend, pinahiran niya ang vicks at hinilot niya ang ulo nito, tumabi siya dito, dahil mejo nahihilo narin siya, hindi niya namalayan na nakaiglip siya, naalimpungatan siya ng maramdaman niyang hinahalkan siya sa labi ni Lovely,
"uy,... " tanging nabanggit ni kenneth, at patuloy parin siyang hinahalikan at niyayakap ng kasintahan, ngunit pinigil niya ang sarili

"Love, wag natin to gawin, hindi pa panahon, diba alam.... ", natigilan si lovely sa pagtanggi ni Kenneth at naiiyak at nagalit

"Punyeta kenneth, ang tagal na natin pero halikan ako di mo magawa, ni hawakan kamay ko nahihiya ka, kung hindi pa ako humawak sa kamay mo, wala kang gagawin, Mahal mo ba ako?!, Nakakadiri ba ako?!, Ano ba talaga ako para sayo!?" natahimik si kenneth, at tangging nabanngit

"Diba alam mo prisipyo ko para sating dalawa?.." natigilan ang dalawa..

"Sorry, Ken, nakakahiya ginawa ko.., sorry" lumapit si ken kay lovely at niyakap ang kasintahan, hanggang nakadinig sila ng busina ng sasakyan,

"Anjan na sundo ko, alis naq kenny, hatid mo ko?". tanong ni Lovely, -
"cge"- banngit nman ni Ken. nagpaalam na si lovely sa mga clasmate at hinatid siya ni kenneth at ilang pang kaibigan sa van nila lovely. Ngiti nalamang ang naibigay ng magkasintahan sa isat-isa. Umalis na ang van at kita sa muka ni ken ang lungkot. nilapitan siya ni Rex at inakbayan.

"Okay lang yan tsong. Pasok na tayo sa loob, marami pa naghihintay sayong tagay., Yosi Gusto mo?"- sambit ni Rex sa kaibigan.

"tayo na nga dun, yosi ka dyan! lam mong di ako nagyoyosi!" sambit ni Kenneth at sinipa sa pwet ang kaibigan.

"haha lasing kana nga. ,ahina ka pala!"-biro ni Ken sa kaibigan, tumakbo na sa loob si Ken at hinabol naman siya ni Rex para gumanti. at doon na natapos ang eksena.

Random Scenes: BG MUsic Palying...
Inasikaso na ng mama ni Kenneth ang mga kakailanganin niya para sa pag-aaral niya sa Maynila, ang dormitory, mga papeles sa school at iba pa, si Lovely naman ay biglaan ang pagpunta sa Cebu at tanging paalamanan nila ni Kenneth ay through TEXT,

"Kenny, bigla desisyon ni Mommy, d2 na kami ngayon airport going 2 cebu, tinatawagan ko cp mo, kaso out of reach. diman lang tayo nagkita- Lovely","

Biglaan ata, ou nga di tayo nagkita, tungkol sa nangyari noong nakaraang gabi, sorry po- Kenneth",-

"Sorry din po, nahihiya aq sa sarili ko.. well, wag mu limot mag text, mag message ka sa Friendster ko ha!-Lovely",-

"aq dapat mahiya sayo ako ung lalaki, okay ingat kayo sa byahe, aq bukas na punta ko Manila, ano nga pala YM i.d mo?-Kenneth",- ngaunit wala ng nariciv na text pa si Kenneth. Nag-iimpake na ng mga damit si kenneth, nilapitan siya ang papa niya,

"Uy Kenneth, pag-aaral atupagin mo dun, wag barkada at mga babae! di porket schollar ka pwede mo na gawin ang paglalakwatsa, tandaan mo, si mama mo ang magbibigay ng allowance mo, ako wala maitutulong.."- palala ng ama as usual na parang laging galit.

"Opo pa,"- at lumabas na kuwarto ang papa niya,

"Tamo yan si papa, kala mo talaga kung sino, e wala naman naiitulong satin, utos pa ng utos"- bulong ni Karla,

"Oist, ikaw talaga... marinig ka nun" bulong ni kenneth,

"whatever Kuya! haha, (nagring ang cellphone ni Karla) excume me, Papa ko tumatawag... ", natapos ang scene...

Scene 5: Goodbye Province, Hello City
Location: Bus Terminal going to Manila

"O, cgurado kaba na dala mo ang mga kelangan mong dalhin, ung papers? ung address ng dorm? contact number namin asa cp mo ba?"-tanong ng mama nia,

"Ma relax, boy scout ata to" sambit ni Kenneth

"Ken, aral mabuti ah, wag ka papagutom dun"-paalala ng mama ni Ken,

"Opo ma, ako bahala sa sarili ko, kayo po ingat dito"-sagot naman ni Ken

"Hai tama na drama nyo dyan, paalis na ang bus" sabat ni Karla
"O cge ken, sumakay kana, magtxt ka pag andun kana sa manila ah."-banggit ng Ina na naiiyak nadin dahil unang beses mawawalay ng panganay na anak sa kanila.

"Opo ma"- banngit naman ni Ken,
"Kuya pasalubong ko ha, mister donut"- sabat ng bunso niyang kapatid, at napatawa ang maganak

"Ano kaba beh, paalis palang si kua, pasalubong ka agad" sabat muli ni Karla

"cge beh, pag uwi isang kahong mister donut, hehe Cge bye, maiwan na ako ng bus, Ingat po kayo lagi". sumakay na si kenneth sa bus hanggang lumayo na ang bus na sinasakyan niya, Makalipas ang ilang oras ay nakarating na siya maynila, pgakababa niya sa bus ay kumain muna sya sa isang karendirya sa terminal, pagkakain, nagbayad siya, hawak niya ang wallet nia at kinuha ang cellphone sa bulsa, dinial ang number ng landlady ng dorm para sunduin sya ng isa sa staff sa dorm, sumagot na ang landlady sa c.p ng isang isang snacher ang kumuha ng cellphone at wallet na hawak nia.

"Hoi, ibalik mo yan, Tulong kinuha cellphone ko!" iniwan nia muna iba niyang gamit sa karendirya at hinabol ang snacher "hoi ibalik mo yan,!!!", at di sinasadya sa pagtakbo nia, nakabunggo nia ang isang lalaking kasing edad nia, at natumba ito at tinulungan naman niya makatayo,

"Ay, sorry, sorry.... kc, kc ung..." tinulungan ni kenneth tumayo ang lalaking nabunggo niya.

"Men, whats your problem!!"- tugon ng binatilyo,

"tsong sorry, sorry, kc ung ano",nalilitong sagot ni Ken sa binatilyo.

"Yung ano?"-tanong ng binatilyo.
"yung cellphone at wallet ko... , wala na.. pano ako, ung ano ko..kinuha nung ano",- nabubulol bulol na sambit ni Ken.

"Relax bro, ano nagyari?",- tanong muli ng binatilyo na pinarerelax siya.

"kinuha nung mama, ung, ung wallet at cellphone ko...",-
"oh, ireport mo sa pulis bro",
"ha?, panu ako?" tumalikod si kenneth at bumalik sa karenderya, sinundan siya ng lalaki,

"Ano iho nabawi mo ba ung cellphone mo?" tanong ng ali sa karenderya,
"dipo", at umupo siya sa isang upuan doon, habang nagtsismisan ang mga taga karenderya. Nilapitan siya ng lalaking nabunggo,

"hey Bro, okay ka lang?, may maitutulong ba ako?"- tanong ng binatilyo. napaisip si kenneth, naalala niya na meron siyang sinulat sa papel na address ng dorm at kinuha ang papel sa bulsa niya.

"Eto tsong alam mo ba ang address nato?",- tanong ni Ken sa lalaki

"Patingin, aist mejo malayo dito yan.. taxi ka nalang bro.",- suggestion ng lalaki

"taxi?",- "ou mas madali ka makakarating sa lugar nayan, teka", pumara ng taxi ang lalaki at kinausap ang taxi driver..

"okay bro, sakay kana"- nakangiting banngit ng lalaki kay kenneth.

"ha?pero wala akong pe..",- nagtatakang sabi ni kenneth sa lalaki.

"Di bale, sakay kana, ihahatid ka ni manong sa lugar nayan", at sumakay na nga si kenneth sa taxi ng hindi man lang nakapagpasalamat sa tumulong sa kanya... hanggang sa makarating siya dorm.

END of Chapter 1:

No comments:

Post a Comment